-- Advertisements --

Nagsuspendi ng pasok ang ilang opisina ng Korte Suprema dahil sa patuloy na pagsasagawa ng rally ng Iglesia Ni Cristo ngayon Nobyembre 17 at 18.

Magkakaroon lamang ng skeleton workforce ang kanilang opisina sa Padre Faura at Taft Avenue, Ermita lalo sa mga Docket Receiving Section of the Judicial Records Office at Cash Collection and Disbursement Division ng Fiscal Management and Budget Office.

Habang ang ilang mga empleyado ay papayagan na mag-work from home.

Ganun din ang mga empleyado ng Court of Appeals sa Orosa Street, Ermita ay work from home din ang setup maliban sa mga One-Stop-Processing Center, Finance Offices, General Services Division at Medical Division.

Parehas din na setup ang gagawin ng mga empleyado ng Sandiganbayan sa Commonwealth, Court of Tax Appeals sa Diliman, Quezon City.

Lahat aniya ng mga empleyado ng korte sa Manila ay work-from home maliban sa skeleton workforce na tutugon sa mga mahahalagang bagay.