Ipinanawagan ni Iglesia ni Cristo (INC) Spokesperson Edwil Zabala ang isang tapat at lantad na imbestigasyon hinggil sa umano’y korapsyon sa pamahalaan.
Kasama rin sa panawagan ang pagpapaharap sa mga personalidad na iniuugnay sa isyu upang matiyak ang pananagutan at katarungan.
Ayon pa kay Zabala nababala aniya siya dahil sa ilang mga nasa gobyerno, media at ilang mga political analyst na binabaliktad ang impormasyon tungkol sa batas at dagdag pa nito ang mga tumetistigo na dapat aniya nagsasabi ng mastermind sa korapsyon ay lalo pang naiipit sa imbestigasyon.
‘Kaya sa isasagawang imbestigasyon tungkol sa napakalaking nakawan sa kaban ng bayan, ang ating panawagan simple, ang ating panawagan madaling maunawaan, maging tapat, maging lantad, huwag ikubli ang mga guilty sa mga kumot ng kasinungalingan at pagtatakipan,’ ani Zabala.
‘Pero nakakabahala mga kababayan, may ilan sa mga gobyerno, media, at plolitical analysts, na matatalino sana may kakayahan magpaliwanag ng tama at totoo ngunit tila nais baliktutin ang batas upang pagtakpan ang sangkot sa korapsyon,’ wika pa ni kapatid na Zabala.
Kasabay niyan nagiging halata narin daw umano ang lantarang paninira sa mga taong tumutulong sa imbestigasyon upang mapagtakpan ang tunay na punot dulo ng nakawan.
‘Saan po kayo nakakita na ‘yung tumutulong sa imbestigasyon para mapalitaw ang punot dulo ng katakot-takot na nakawan sa gobyerno ang siya pang sinisiraan. Hindi ba masyadong halata na concerted effort ang mga ito para talikturan ang katotohanan.’
















