-- Advertisements --

Itinanggi ng ilang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na binayaran sila ng P3,000 para dumalo ng tatlong araw sanang anti-corruption rally sa Quirino Grandstand, Manila.

Kasunod ito na mga kumalat sa social media kung saan ang ilang raliyista ay binaran daw.

‘Nanghiram nga lang po ako ng pamasahe papunta rito. Ang kalooban po namin ang nagdala sa amin dito para mag-rally at suportahan ang tagubilin ng punong pangkalahatan,’ ayon sa kapatid na itinanggi nang magpakilala.

Kasabay nito tinapos na ng INC sa ikalawang araw na ”Transparency for a Better Democracy” rally laban sa katiwalian.

Ayon kay INC Spokesperson Edwil Zabala, hindi kailangan ng tatlong araw para iparating ang mesaheng ”transparency” sa gitna ng sa gitna ng isyu ng katiwalian.

Tinatayang 600,000 ang dumalo sa pag-kilos noong Lunes, Nobyembre 17, na masbaba kumpara sa 650,000 noong Linggo, Nobyembre 16.

Samantala sinabi naman ni PMAJ. Hazel Asilo sa isang panayam na naging mapayapa ang dalawang araw na peaceful rally ng INC.

‘Wala po naman tayong na-monitor at reported na untoward incidents. ‘Yung November 30 po ‘yung pinaghahandaan natin sa ngayon matapos po itong supposed to be 3 day INC rally na na-cut short po ng two days lang,’ pahayag ni Asilo.

Kaugnay nito tuloy naman ang suspensyon sa face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Martes, Nobyembre 17, kahit tapos na peaceful rally ng INC.