-- Advertisements --

Nasungkit ni Ahtisa Manalo ang isa sa inaasam na puwesto sa Top 12 ng ika-74 na Miss Universe Pageant na ginaganap sa Impact Challenger Hall sa Nonthaburi, Thailand.

Nagpakita si Ahtisa ng pambihirang stage presence sa kanyang kulay puting two-piece swimsuit sa swimsuit competition.

Kasama sa Top 12 ang mga kandidata mula sa Chile, Colombia, Cuba, Guadeloupe, Mexico, Puerto Rico, Venezuela, China, Philippines, Thailand, Malta, at Côte d’Ivoire.

Samantala, nakuha ni Ahtisa ang atensyon at papuri ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres, na isa sa mga commentary hosts ng final competition.

Ayon kay Torres, umarangkada si Ahtisa sa swimsuit round at maganda ang ipinamalas nitong eye contact at tamang pagtingin sa camera.

Hudyat ito na alam na alam ng pambato ng Pilipinas ang kanyang ginagawa sa entablado.