TEACHER
-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Lt. Reycar Almazan, ang chief of police ng PNP-Pinili na namatay ang isang guro matapos pinagsasaksak.

Kinilala nito ang biktima na si Oscar Corpuz y Dominguez, 44-anyos, guro sa Pinili National High School, tubo sa bayan ng Solsona.

Sa imbetsigasyon, nakatira si Corpuz sa kanyang parlor at bago ang pangyayari ay mayroon umano siyang pinapasok na isang lalaki.

Matapos ang ilang minuto, lumabas ang biktima at nagpatulong sa isang Barangay Kagawad ngunit dito na siya nawalan ng malay at natumba.

Nagtamo umano ang biktima ng isang saksak sa harapan at tallo sa likod nito kung saan ay naiwan pa sa katawan nito ang ginamit ng suspek na kutsilyo na may habang limang pulgada.

-- Advertisement --

Sinabi naman ni Police Major Sheryl Guzman, ang spokesperson ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) na nagpapatuloy ang imbestigasyon nila para madetermina ang suspek at motibo ng krimen.

Dagdag nito na wala umanong nawalang gamit ng biktima kontra sa mga lumalabas na report na may mga nawawala itong kagamitan.