KALIBO, Aklan — Bumiyahe na papuntang Aklan si Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) upang personal na alamin ang brutal na pagpatay sa batikang mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang.
Ang 89-anyos na si Dayang ay binaril ng hindi pa nakikilalang salarin habang naka-upo sa kanyang rocking chair at nanonood ng TV sa loob ng kanyang bahay sa Villa Salvacion subdivision, Brgy. Andagao, Kalibo, pasado alas-8:00 gabi ng Martes, Abril 29.
Mariing kinondena ng PTFOMS ang pagpatay kay Dayang na kasalukuyang tumatayong President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines (PAPI).
Nauna dito, sinabi ni Torres na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang task force sa mga kaukulang ahensya para sa imbestigasyon ng kaso.
Nakikiisa rin umano ang PTFOMS ng buong media community sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Dayang, na isang haligi at may malaking kontribusyon sa malayang pamamahayag sa bansa.
Kasabay nito, hinimok ng task force ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang mga pagsusumikap ng pamahalaan na itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag at pangalagaan ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng press conference ang Kalibo Municipal Police station hinggil sa insidente na pangungunahan ni Police Regional Director P/Brigadier General Jack Limpayos Wanky.