-- Advertisements --

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa hosting ng bansa ng Womens Tennis Association (WTA) 125 na gaganapin sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon kay PSC Chairman Patrick Gregorio, nasa 80 percent ng handa ang venue.

May ilang mga inaayos lamang sa mga court na gagamitin gaya ng paglalagay ng mga dagdag na ilaw at pagpintura.

Nagsagawa na rin ang Philippine Tennis Association ng ilang mga laro para masubukan kung ano pa ang kailangan na improvements sa nasabing court.

Bukod kay Alex Eala ay nabigyan din ng wildcard si Tennielle Madis ng M’lang, Cotabato para makapaglaro sa nasabing torneo.

Ang paglalaro naman ni Eala ay dedepende sa kahinatnatan niya sa Australian Open.

Gaganapin ang WTA 125 event mula Enero 26 hanggang 31.