DAGUPAN CITY – Nagkakaubusan pa rin ng face mask, tissues at iba pang bilihin sa Hong Kong dahil sa Coronavirus Disease.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benilda Untalan, OFW sa Hongkong, base sa kanyang nasaksihan sa mga groceries, wala ng makikitang mga tissues at face mask.

Mula ng pumutok ang balita ukol sa pagkalat ng COVID ay nag-panic buying na ang mga residente doon.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring pasok doon ang mga estudyante para na rin sa kanilang proteksyon.

Nagsara rin ang ibang business establishment habang mayroon pa ring mga nagpapatuloy sa kanilang negosyo.