-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naitala ang apat na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon Cordillera.
Ayon sa datos ng DOH-Cordillera, naitala ang tig-dalawang kaso ng virus sa probinsiya ng Ifugao at Apayao.
Ang dalawang kaso ng COVID-19 sa Apayao ay parehong residente ng munisipyo ng Flora at pareho itong mga localized stranded individual (LSIs).
Ayon naman sa lokal na gobierno ng Ifugao, ang dalawang kaso na naitala sa nasabing lugar ay residente ng Poblacion East, at North sa Lagawe.
Dahil rito, naipasailalim sa temporary lockdown ang mga nasabing lugar para sa contact tracing at disinfection.
Samatantala, aabot na sa 123 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon Cordillera.