Nanawagan si Interior Secretary Eduardo Año sa Civil Service Commission (CSC) at sa mga private companies na magpatupad na rin ng adjustment sa work schedule sa kanilang mga kawani.
Ang hakbang ng kalihim ay upang maipatupad ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Año umaapela sila sa private sectors at sa government offices na kung maaari ay ayusin ang work schedule ng kanilang mga tanggapan.
Una rito nakipagpulong din si Sec. Año sa mga Metro Manila mayors kung papaano maipapatutupad ang mga social distancing measures.
Gayundin ipagbabawal muna sa Metro Manila ang malalaking mga pagtitipon.
Bago ito maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay kabilang din nanawagan sa mga employers na mag-adopt ng flexible work arrangements.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Health Sec. Francisco Duque, nagpanukala rin siya sa mga kompaniya at employers na magpatupad ng adjustment sa pasok ng mga empleyado para hindi sabay-sabay ang buhos ng mga pasahero sa mga pampublikong mga sasakyan.