Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec), sa tulong ng National Printing Office ang pag-imprenta ng official ballots para sa isang lugar sa Caraga region.
Kasama rin sa paglilimbag ang iba pang forms na kinakailangan para sa isang proseso ng lokal na halalan.
Idaraos kasi ang plebisito sa darating na Agosto 10, 2024 para sa pag-ratify sa binubuong barangay sa Municipality of Barobo, Province of Surigao del Sur.
Tatawagin itong Barangay Guinhalinan, kung pahihintulutan ng mga residente.
Salig ito sa Republic Act No. 11986 series of 2024.
Para sa Comelec, isa na itong paraan ng kanilang paghahanda para sa mas malaking halalan na gaganapin sa 2025 midterm elections, kung saan mula sa mga senador hanggang sa mga bayan ang ihahalal ng mga botante.