-- Advertisements --

Bumagsak umano ang presyuhan ng trigo sa international market matapos ang nangyaring landmark agreement sa pagitan ng Ukraine at Russia para makabiyahe na ang mga natenggang mga trigo na naiipit dahil sa giyera.

Sinasabing ang september delivery ng mga wheat o trigo sa bumagsak ng $7.59 na katumbas ay 27 kilograms.

Ito na ang pinakambaba na presyuhan mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong buwan ng Pebrero 24.

Ang Russia at Ukraine ay nagsusuplay ng 30 percent ng world’s wheat exports.

Sinasabing nasa 25 million tons ng trigo ang natengga sa sa Ukrainian ports dahil sa pagharang ng mga Russian warships at itinanim pa na mga landmines.