Inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, matapos ang dalawang sunod na linggong taas-presyo.
Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, batay sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), may rollback na inaasahan sa presyo ng langis.
Tinatayang bawas presyo ay ang:
- Gasolina: P0.25 hanggang P0.70 kada litro
- Diesel: P0.30 hanggang P0.80 kada litro
- Kerosene: P0.50 hanggang P0.70 kada litro
Ang inaasahang rollback ay bunsod ng pagtaas ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado, pagtaas ng imbentaryo ng langis sa U.S., at posibilidad ng pagtaas ng produksyon ng Saudi Arabia.
Dagdag pa rito, ang pabagu-bagong polisiya sa taripa ng Estados Unidos.
Ipapatupad ang opisyal na pagbabago ng presyo sa Martes, matapos ang i-anunsyo ng mga kumpanya ng langis tuwing Lunes.