-- Advertisements --
cropped DA WILLIAM DAR SWINE 6

Pinawi ngayon ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar ang pangamba ng publiko na baka tumaas pa ang presyo ng karneng baboy.

Ayon kay Dar, base sa kanilang monitoring, mula sa mahigit P400 kada kilo sa ngayon ay nasa P330 hanngang P350 na lang ang kada kilo ng karneng baboy.

Aminado naman itong tumaas ang presyo ng karneng baboy dito sa Luzon dahil pa rin sa malawakang epekto ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, nakikipag-ugnayan na raw sila sa Department of Transportation (DoTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) para sa shipping lines para sa libreng pagbiyahe ng mga pork products.

Sa isyu naman ng ASF, bibili na raw ang DA ng rapid test kits para sa ASF at ibibigay ito sa mga LGU local government units (LGUs) para mapaigting ang ASF surveillance.

Samantala, sa ngayon, bumabababa na rin daw ang presyo ng gulay na naapektuhan ang produksiyon sa mga sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon.

Nangako naman si Dar na tuloy-tuloy ang programa ng DA na handang tumulong para sa mga farmers cooperative.