LAOAG CITY – Hindi na magtataas ng presyo ng karne ng manok, baboy at baka sa lungsod ng Laoag.

Base sa mga nagtitinda sa public market ng Laoay City ay hindi na tataas ang presyo ng kada kilo ng karne ng manok, baboy at baka dawalang araw bago ang baong taon.

Nananatili sa 180 pesos ang kada kilo ng karne ng manok, 230 pesos per kilo naman ang karne ng baboy at 270 pesos per kilo ang karne ng baka.

Inaasahan na bubuhos ang maraming tao sa Laoag City Public Market sa bispiras ng bagong taon para bumili ng pang medya noche.