-- Advertisements --
viber image 2022 10 22 12 22 13 429

Kumpulan ang mga mamimili sa ilang tindahan ng mga kandila sa Divisoria market bunsod iyan nang papalapit na ang araw ng mga patay.

Kasabay nang papalapit na ang todos los santos, nagsimula na rin ang umento ng mga kandila dahilan nang pamamakyaw ng mga mamimili bago pa man sumapit ang ika-1 ng Nobyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa mga namimili ng kandila na bultuhan ang bili, maaga raw ang kanilang paghahanda lalo na at tataas pa ito sa mga susunod pang mga araw.

Dagdag pa, marami ring retailers ang maagang pumila, para umano’y makapamili ng kanilang mga ititinda lalo na’t dadagsain ang mga tao sa sementeryo.

Ayon kay Ariel Cadayana, 10 taon nang retailer ng kandila sa Pinagbuhatan, Pasig City, matagal na raw siyang kumukuha ng mga kandila dito sa isa sa mga pinipilahang store sa Divisoria, bukod daw kasi sa mas mura rito, tiyak na kalidad ang mga tinda.

Dagdag pa, noong nakaraang buwan daw na bumili sila rin sa Divisoria, mataas na raw ang presyo ng mga kandila kaya naman ay nagtaas na rin daw ang presyo nila.

“Last year matumal, pero ngayon sana… mas mabenta ngayon kasi open na e, dati kasi limitado. Last month lang na bumili kami tumaas na e, tumaas na sila, so nagtaas na rin kami ng presyo.”

Samantala, sa pahayag naman ni Amron, isa ring retailer sa lalawigan ng Mabini, Batangas, dahil daw malapit sila sa sementeryo, maaga pa lang daw ay naghahanda na rin sila, bunsod ng ito ay tataas nang taas pa sa susunod na araw.

Una rito, magmamahal kasi ang presyo ng kandila sa mga pamilihan habang papaubos na ang mga suplay nito.

Kaugnay niyan, higit isang linggo na lang kasi bago ang todos los santos kaya naman marami na ang mga tao sa Divisoria upang mamili ng kanilang mga kakailangan sa sementeryo.

Kaugnay niyan, nagtaas ng lima hanggang dyesi-otso pesos ang presyo ng kandila at depende pa ito sa kung gaano karami ang iyong bibilhin, tatak, at laki nito. (With reports from Bombo JC Galvez)