-- Advertisements --

Umalma si Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte-Carpio dahil sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa mauugong na personalidad na psoibleng tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

Ito’y kasunod ng lumabas na survey kung saan karamihan umano sa mga Pilipino ang nagnanais na si Sara ang pumalit sa kaniyang ama bilang presidente ng bansa.

Ayon sa alkalde, nais niyang ipatanggal ang kaniyang pangalan mula sa listahan na isinapubliko ng survey organizations.

Kung siya raw kasi ang tatanungin, hindi prayoridad ng mga Pilipino ngayon ang halalan na nakatakdang ganapin sa 2022. Sa kadahilanang karamihan sa mga Pinoy ang nangangapa pa rin kung paano makakabangon mula sa economic at humanitarian crisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Nakuha ng presidential daughter ang ikalawang pwesto sa vice presidential survey, habang nanguna naman si Manila Mayor Isko Moreno.

Una nang sinabi noong ni Sara na ngayong buwan siya maglalabas ng desisyon kung tatakbo ito bilang pangulo sa susunod na eleksyon.

Subalit tila hindi naman suportado rito ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Base kasi sa survey ng Pulse Asia Research na isinagawa mula noong Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2 at inilabas lamang kahapon, napag-alaman na 26 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsasabing iboboto nila ang alkalde ng Davao kung sakali na tatkbo ito sa halalan.

Sumunod naman sa ikalawang pwesto sina Senator Grace Poe at dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos na kapwa nakakuha ng 14 porsiyento.

Nakuha naman ni Mayor Isko ang ikatlong pwesto na may 12 porsiyento at sinundan ni pambansang kamao Senator Manny Pacquiao.

Nasa ikalimang pwesto naman si Vice President Leni Robredo na may 8 percent voting rate.

Nasa ikaanim na pwesto naman sina Senator Bong Go at Senator Panfilo Lacson.

Ikapito si dating House Speaker Alan Peter Cayetano (3%), Senator at Philippine Red Cross chairman Richard Gordon (0.2%) at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio (0.1%).