-- Advertisements --

Aasahan ang pagtaas ng terminal fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula Setyembre 14, ayon yan sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Mula Php550 ay magiging Php950 ang bayad ng mga pasaherong paalis sa international flights sa Terminals 1 at 3, habang tataas sa Php390 mula Php 200 ang singil sa domestic flights.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, ito ang unang pagtaas ng bayarin sa loob ng 20 taon at bahagi ng gastusin para sa pagpapaganda, maintenance at seguridad ng paliparan.

Paliwanag ni Ines, nananatiling pinakamababa pa rin sa Southeast Asia ang singil ng NAIA kumpara sa ilang bansa sa Asya

Exempted sa bayad ang mga overseas Filipino workers (OFWs), religious pilgrims para sa Hajj at Umrah, at mga atletang lalahok sa international competitions.

Samantala kasabay ng pagtaas ng terminal may ilang mga grupo rin ang bumatiko dito, kabilang ang grupong ‘PUSO ng NAIA’ na nagsabing resulta ng privatization ang dagdag-singil at nanawagan sa pamahalaan na ipatigil ang kontrata.