Nakatakdang ilipat na sa National Museum ang nai-preserbang katawan ng elepante na si Mali.
Pumanaw si Mali noong Nobyembre 2023 dahil na rin sa katandaan.
Nitong Disyembre 2024 ay ibinalik ito sa Manila Zoo matapos ang 11 buwan na taxidermy na isinagawa ng PetEternity.
Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno, na kaniyang nakausap na si National Museum of the Philippines director general Jeremy Barns ukol sa usapin.
Dagdag pa ng alkalde na walang sapat na teknolohiya ang lungsod para maipreserba ang katawan ng elepante.
Dahil dito ay makakasama niya sa National Museum of Natural History ang ilang mga nakilalang hayop sa bansa gaya ng Philippine eagle at “Lolong” na pinakamalaking saltwater crocodile na nahuli.
Si Mali o Vishwa Ma’ali ay elepante na naibigay bilang donasyon ng Sri Lanka sa bansa noong 1981.