Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kasulukuyang aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo ang West Philippine Sea partikular ang presensiya ng mga dayuhang warship o barkong pandigma at ang nangyayaring electronic interference sa mga barko ng Pilipinas.
Sinabi ng Presidente dati kasi mga coast guard vessel ng China lamang ang umaaligid sa disputed waters ngayon may kasama ng mga navy vessel.
Sa kabila nito, binigyang-diin ng Pang. Marcos na patuloy na idepensa ng Pilipinas ang maritime territory nito.
Siniguro din nito ang patuloy na pagsuporta ng kaniyang gobyerno sa mga Pilipinong mangingisda na siyang kanilang hanap buhay.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi dapat patitinag ang Pilipinas sa anumang panghaharang na gagawin sa nasabing karagatan partikular ang China.
Aniya ang nasabing lugar ay teritoryo ng Pilipinas at traditional fishing grounds ng mga Pilipinong mangingisda.
Hanggang sa ngayon kasi patuloy sa pagiging agresibo ang China sa West Phil Sea.