-- Advertisements --

Pinagtibay ng House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ang House Resolution No. 601 na nagpapahayag ng taos-pusong pakikiramay ng buong Kamara sa pamilya ng Antipolo 2nd District Representative na si Romeo Acop.

Ang nasabing resolusyon ay inakda nina Speaker Dy, Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan, bilang pagkilala at pakikiisa ng lehislatura sa pagdadalamhati ng pamilya ng mambabatas.

Sa pamamagitan ng HR No. 601, binigyang-diin ng Kamara ang kanilang pakikiramay at paggalang sa pamilya ni Rep. Acop sa panahong ito ng pagluluksa.

Inanunsiyo kahapon ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ang pagpanaw ng beteranong mambabatas matapos ito atakihin sa puso.

Nagpa-abot ng kani-kanilang pakikiramay ang mga mambabatas at senador sa pumanaw na mambabatas.