Naniniwala si House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na ang presensiya ng Chinese vessel sa Philippine Rise ay isang malinaw na panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Ang pahayag ni Salceda ay reaksiyon bunsod sa namataang dalawang research vessel ng China na aaligid sa naturang lugar.
Sinabi ni Salceda na bagamat ang West Philippine Sea ay maaaring condominium para sa mga kapitbahay na bansa, ngunit ang Tsina ay ganap na walang lugar sa Benham Rise o Philippine Rise.
Ito ay isang eksklusibong teritoryo ng Pilipinas.
Inihayag ng ekonomistang mambabatas na sa kasalukuyan may mga hakbang ng ginagawa si Defense Secretary Gilbert Teodoro hinggil sa pagpapalakas ng mga teknolohikal na kakayahan partikular sa aerial at maritime patrols.
Binigyang-diin ni Salceda na sa pagsulong hindi lang dapat gawin at magpatrulya kundi ipatupad ang ating mga karapatan sa lugar.
Sinabi ni Salceda na nakikipag tulungan siya ngayon kay House National Defense Committee Chairman Rep. Boboy Tupas para sa pag acquire o pagbili ng mga advanced na armas at military hardware.
Naipasa na rin ng Kamara ang bersyon nito at naghihintay na lang ng bicam sa Senado.