-- Advertisements --
Mariing kinondena ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang naging desisyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa hinihingi nitong “no fly zone” para maprotektahan ang kanilang airspace laban sa missiles at warplanes ng Russia.
Hindi pa kasi ikinokonsidera sa ngayon ng NATO ang pagpapadala ng mga eroplano sa airspace ng Ukraine.
Sa halip, nangako namna ang NATO na mas maraming sanctions na ipapataw laban kay Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Zelensky, nagbibigay daan aniya ang naging desisyon ng NATO para ipagpatuloy ng Russia ang pambobomba nito sa bansa.
Nauna na ngang umapela si Zelensky sa NATO na magpatupad ng no-fly zone sa Ukraine.