-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginagawa ng gobyerno ang makakaya para ligtas na makalaya ang 17 Filipino seafarers na hawak ng mga Houthi rebels sa Red Sea.

Ayon sa Pangulo na mahigpit na ang ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa mga ilang opisyal ng Oman, Qatar at Saudi Arabia para makakuha ng updates.

Regular din ang komunikasyon ng Department of Migrant Workers (DMW) para tuluyang makakuha ng impormasyon sa kalagayan ng mga bihag.

Magugunitang na-hijacked ng mga armadong grupo na Houthi rebels ang British owned-cargo ship na inooperate ng Japanese company habang ito ay nasa Red Sea.

Mayroong 25 katao ang lulan ng barko na pawang mga taga Bulgaria, Ukraine, Mexico, Romania at Pilipinas.