-- Advertisements --

Muling nagbato ng mabibigat na akusasyon si U.S. President Donald Trump laban sa dating pangulo ng Amerika na si Barack Obama na tinawag niyang traydor at taksil.

Ang mga pahayag ni Trump ay sumunod sa ulat ni Director of National Intelligence Tulsi Gabbard, na nagsumite ng criminal referral laban sa administrasyong Obama kung saan gumawa umano ng mga pekeng intelligence report upang magsimula ng taon-taong kudeta laban kay Trump.

Giit ng kampo ni Obama, wala sa dokumento ang nagpapatunay na nabago ang mga boto noong 2016, at nanatiling totoo ang konklusyon ng bipartisan Senate Intelligence Committee noong 2020 na pinamunuan ni Sen. Marco Rubio na sinubukan umanong impluwensyahan ng Russia ang halalan ngunit hindi ito nagtagumpay.

Sa isang press conference kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang-diin pa ni Trump na si Obama ang ”leader of the gang” sa umano’y sabwatan, at binanggit din sina Joe Biden, James Comey, James Clapper, at John Brennan.

Bumuwelta naman ang kampo ni Obama at sinabing hindi na dapat bigyan pa ng pansin ang mga walang basehang paratang mula sa administrasyon ni Trump, na isa umanong mahinang taktika para umiwas sa tunay na isyu ng Amerika.