Nangakong magpaabot ng paunang tulong o shelter aid ang Department of Human Settlements and Urban Developments (DHSUD) para sa mga pamilyang apetado ng Severe Tropical Storm Crising.
Batay kasi sa ulat higit sa 356 na mga tahanan ang nasira sa pananalasa ni Crising at ng habagat mula sa tatalong rehiyon sa bansa.
Mula sa naturang bilang, 307 ang mga partially damaged at 49 naman ang totally destroyed batay yan sa pinagsamang datos ng mga regional offices ng DHSUD kung saan pinakamaraming naitala ang Region IV o Western Visayas sinundan ng Region Ix na mayroong 87 at ng Negros Island na nakapagtala namanng 65.
Para makatulong sa mga apektadong pamilya ay humiling na ang DHSUD ng 5,000 shelter-grade tarpaulins mula sa International Organization for Migration para sa distribusyon nito sa pinakanapinsala ng bagyo.
Ito naman ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagbigay agad ng mga post disaster assistance sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng masamang panahon.
Samantala, nangakonnaman ang departamento na mananatili silang proactive sa komprehensibong pagabot ng assistance sa mga residente.