-- Advertisements --
Dumating na sa White House si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pakikpagpulong kay US President Joe Biden.
Sinalubong siya personal ng US Presdient pasado alas-2 ng madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas.
Inaasahan na magsasagawa ang dalawa ng bilateral meeting at pagkatapos ay makakasalamuha nito ang ilang mga opisyal ng US.
Sa kaniyang talumpati ay pinasalamatan nito si Biden dahil sa nananatiling matatag pa rin ang ugnayan ng dalawang bansa.