-- Advertisements --

Isinapubliko ng Professional Regulation Commission (PRC) na 3,769 sa kabuuang 6,556 na kumuha ng April 2026 Registered Electrical Engineers Licensure Exam (REELE) ang pumasa.

Ayon sa PRC, nailabas ang resulta tatlong araw matapos ang pagsusulit sa iba’t ibang testing centers sa bansa.

Nanguna naman sa top examinees si John Veluz Labrador mula sa University of the Philippines-Diliman na may 94.25% na rate, kasunod si Carl Aeron Rodriguez Gallardo ng Tarlac State University (Tarlac College of TEch) na may 93.70% passing rate.

Sa mga paaralan, nanguna naman ang University of the Philippines-Los Banos sa kategoryang may 54 examinees, na may passing rate na 98.15%.

Samantala, sa kategoryang may 38–77 examinees, nanguna ang University of Batangas na may 94.81% passing rate.

Narito ang buong listahan ng mga pumasa na makikita sa mga link ng PRC:

Top examinees: REE0426TOP10REE.pdf – Google Drive

Full list of successful examinees: REE0426-alphaREE.pdf – Google Drive