Kinumpirma ng Malacañang ang nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Russia para sa isang official Working Visit sa darating na June 17 hanggang June 19,2026.
Inaasahang makikipagpulong si Pangulong Marcos kay Russian President Vladimir Putin sa Asean-Russia Summit na gaganapin sa sa Kazan, Russia.
Ayon kay Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na inaabangan nilang dumalo sa summit si Pangulong Marcos.
Sinabi ni Lavrov, inaasahang magbibigay-daan ang summit upang mapalalim pa ang 35 taong ugnayan ng Russia at ASEAN sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, agrikultura, digitalisasyon, agham, edukasyon, turismo at kultura.
Pinuri rin niya ang aniya’y balanseng posisyon ng Pilipinas sa usapin ng digmaan sa Ukraine at muling iginiit ang pagtutol ng Russia sa militarisasyon sa Asia-Pacific. Samantala, inaasahang higit pang mapapalakas ang kooperasyon sa turismo sa ilalim ng ASEAN-Russia work plan para sa 2026.
Ang Kazan, na itinuturing na ikatlong kabisera ng Russia, ay naging mahalagang lugar para sa mga multilateral na pagpupulong ng bansa.















