Kapwa binigyang-diin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at German President Frank-Walter Steinmeieir na palalakasin pa ng dalawang bansa ang ugnayan sa mahahalagang sektor kabilang ang depensa, peacebuilding, maritime cooperation, kalakalan at pamumuhunan.
Ginawa ng dalawang leader ang kanilang commitment sa isinagaang bilateral meeting ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa nasabing pulong, tinalakay nina Pangulong Marcos at Pres. Steinmeier ang mga hakbang laban sa Climate change, pagpapaunlad ng renewable energy, at ang pagpapatatag ng people-to-people exchanges.
Bukod sa mga kasunduang bilateral, magpapalitan din ng pananaw ang dalawang pinuno ukol sa mga napapanahong isyu sa rehiyon at sa buong mundo.
Pormal na tinanggap ni Pangulong Marcos Jr. si German President Frank-Walter Steinmeier sa Malacañan Palace ngayong Martes, Hunyo 16, para sa isang opisyal na pagbisita.
Ayon kay Pangulong Marcos, makasaysayan ang pagbisitang ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may bumisitang Pangulo ng Germany sa Pilipinas matapos ang 63 taon.
Ang huling pagbisita ng isang pinuno ng Germany ay noong 1963 pa sa panahon ni dating Pangulong Heinrich Lubke.
Kasama ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete na handang makipagpalitan ng pananaw sa delegasyon ng Germany, na tinawag ng Pangulo na may kaparehong prinsipyo at paninindigan sa mga pandaigdigang isyu.
















