-- Advertisements --

Bukas ang Pilipinas sa posibilidad na magkaroon ng isang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Germany. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa joint press conference kasama si German President Frank-Walter Steinmeier.

Ngunit aminado ang punong ehekutibo na malayo pa ito sa kasalukuyan.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo, na patuloy na lumalawak ang ugnayan ng Pilipinas at Germany, lalo na sa larangan ng militar, depensa, at seguridad. 

Aniya, kapag dumating ang tamang panahon at nagkaroon ng kasunduan, handang pag-aralan at tanggapin ng Pilipinas ang naturang kasunduan.

Binigyang-diin naman ni Pang. Marcos na mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming pakikipag-alyansa sa gitna ng pabago-bagong sitwasyong geopolitical issues sa mundo.

Dagdag niya, ang multilateral na pakikipagtulungan ay susi upang mapanatili ang katatagan at seguridad ng mga bansa.