-- Advertisements --
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pinagkakatiwalaan pa rin ng publiko ang gobyerno.
Ito ay dahil sa tinatama ng kaniyang administrasyon ang mga maling gawain noong nakaraan kahit na masakti at mahirap ang proseso.
Tuloy-tuloy din aniya ang giangawang paglilinis nito sa hanay ng pamahalaan para matiyak na lahat ng opisyal, lingkod-bayan ay karapat-dapat sa tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan.
Aminado ito na hindi madali ang paglaban dahil sa maraming hamon ang kakaharapin at pagdadaanan.
Magugunitang iniimbestigahan na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga maanomalyang proyekto ng gobyerno kung saan may ilang mga opisyal ng gobyerno ang sangkot.