-- Advertisements --

Puno ang schedule ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang apat na araw na byahe sa Japan sa susunod na linggo.

Sa pre departure briefing sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs assistant secretary neil imperial na February 8 ng hapon ang alis dito sa pilipinas ng pangulo at kaniyang delegasyon at darating early evening sa Tokyo Japan.

Kinabukasan, February 9 ay magkikita sina pangulong marcos at Japan prime minister fumio Kishida, ito ang ikalawang face to face meeting ng dalawa sa nagdaang limang buwan.

Magkakaroon sila ng working dinner hosted ni prime minister Kishida kung saan inaasahang tatalakayin ang bilateral at regional issues para palakasin pa ang kooperasyon sa ikalawang dekada ng kanilang partnership.

-- Advertisement --

Una silang nagkita noong setyembre ng nakalipas na taon sa sidelines ng united nations general assembly sa new York.

Makahaharap din ng pangulo si Japan emperor Naruhito at Japan empress Masako.

Mayroon ding gagawing roundtable at business meetings and seminars na dadaluhan ang pangulo sa feb 9 habang sasaksihan nito ang ilang paglalagda sa ilang business deals sa February 10.

Samantala, sinabi pa ni imperial na may nakatakda ring pakikipagpulong si pangulong marcos sa mga chief executive officer ng mga japanes shipping companies and associations.

Pagsapit naman ng February 12 ay mayroon itong pulong sa filipino community sa Tokyo sa umaga at pagkatapos nito ay biyahe na ito pabalik ng pilipinas at inaasahang darating dakong gabi.

Kabilang sa makasasama sa Japan ng pangulo sina first lady louise liza Araneta marcos, deputy speaker gloria Macapagal arroyo, senate president juan Miguel zubiri, house speaker martin Romualdez, foreign affairs secretary Enrique Manalo, finance secretary Benjamin Diokno, dti sec alfredo pascual, energy secretary Rafael lotilla, tourism secretary cristina frasco, special assistant to the president anton Lagdameo, pco sec cheloy garafil, iba pang cabinet officials at undersecretaries.