Pinabulaanan ng Office of the Ombudsman na isinugod umano sa pagamutan o ospital si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo kay Assistant Ombudsman Atty. Mico F. Clavano, kanyang binigyang linaw ang patungkol sa naturang usapin.
Kumalat kasi ‘online’ ang impormasyon nagsasabing isinugod raw ang kasalukuyang Ombudsman sa ospital.
Ngunit ito’y pinabulaanan lamang ni Atty. Clavano at itinangging nasa ospital si Ombudsman Remulla.
Sa mensaheng kanyang ipinadala, kanya pang sinabi na kumain ng masustansyang pagkain na sinigang ang opisyal kaninang umaga.
“Fake news. He had a hearty Sinigang this morning for breakfast!,” ani Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano.
Kung kaya’t tinawag niya bilang isang ‘fake news’ lamang ang kumakalat na impormasyon naospital si Ombudsman Remulla.
Kasabay ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa kalagayan ng naturang opisyal sa nagpapatuloy na imbestigasyon nito sa malawakan korapsyon sa flood control ng bansa.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman at tiniyak ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwali at sangkot na opisyal.















