-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang southern at central Mexico.

Ayon sa national seismological agency ng Mexico, nakita ang epicenter ng lindol malapit sa San Marcos.

Base naman sa US Geological Survey, na may lalim ang lindol ng 21.7 miles at 2.5 miles north-northwest ng Rancho Viejo, Guerrero.

Dahil sa lindol ay pansamantalang itinigil ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang kauna-unahang press briefing ngayong taon.

Maging ang mga residente at turista sa Mexico City at Acapulco ay nagtakbuhan sa mga kalsada noong maramdaman ang pagyanig.

Patuloy ang ginagawang pag-iikot ng mga otoridad para makita kung may mga damyos at nasawi sa nasabing insidente.