-- Advertisements --

Nasunog ang bahagi ng Gaisano Grand Citygate Mall, Buhangin, Davao City pasado alas 3 ng hapon Enero 2, 2026.

Sa ulat ng Buraeu of Fire Protection Davao city, nakatamggap sila ng tawag mula sa naturang establisemento na kaagad naman nilang nirespondihan.

Ilang minuto pa ay dumating na din ang iba pang fire brigade at fire auxiliary sa ibat-ibang organisasyon sa lungsod.

Nakatulong din sa pag apula ng sunog ng sumabay ang ulan sa lungsod. Dineklarang fireout ng BFP ang sunog alas 6:15 ng hapon.

Wala namang naiulat na casualty sa insedente at inaalam pa ang sanhi nito maging ang kabuuang damyos.