-- Advertisements --

Personal na nakasalamuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si King Philippe ng Belgium.

Isinagawa ang pagkikita sa Royal Palace sa Brussels bilang bahagi ng pagdalo ng pangulo sa ASEAN-European Union Commemorative Summit.

Nagkasundo ang dalawa na magkaroon ng kasunduan na Philippine-Belgium joint action plan para sa taong 2023 hanggang 2027 na mapapaigting ang bilateral cooperation.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos sa pagpupulong sa mga Filipino community doon na kaniyang ipaparating ang magandang hangarin ng bansa sa Belgium.

Ipinagmalaki nito na mayroon ng mahigit 76 taon na ang bilateral ties ng Pilipinas at Belgium.

Bukod kay King Philippe ay makakasalamuha ay magkakaroon din ng bilateral meeting ito sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.