DAVAO CITY – Mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa San Pedro square sa lungsod dahil pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng ika-123rd Rizal Day ngayong araw.

Nagdeploy ng maraming kapulisan at mga personahe ng Task Force Davao (TFD) sa lugar para matiyak ang seguridad at mapatupad ng maayos ang aktibidad.

Maliban sa Pangulo dadalo rin ang ilang mga opisyal ng kapulisan at lokal na pamahalaan kung saan aasahan na magsisimula ang aktibidad ngayong alas otso ng umaga.

Isa sa mga seremonya na isinagawa ay ang paglalagay ng bulakbulak sa monumento ni Jose Rizal na kinilalang isa sa mga magiting na bayani ng bansa.

Pagkatapos ng aktibidad, aasahan naman na bibisita ang Pangulo mamayang alas onse ng umaga sa mga lugar sa Mindanao na apektado ng malakas na lindol.