-- Advertisements --

Nakatakdang magtalumpati si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit.

Magiging host ang Cambodia sa nasabing pagpupulong na magsisimula sa Nobyembre 25 hanggang 26.

Makikibahagi rin ang pangulo sa mga pagpupulong para mapalawig ang relasyon ng mga bansang nasa Asya at Europa.

Ang ASEM ay nagsisilbing “informal dialogue” na mayroong 53 partners mula Europe, Asia, European Union at ASEAN Secretariat.

Isa kasing founding member ang Pilipinas sa ASEM.