Hiniling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III na muling ihain ang kaso laban sa kaniya.
Naniniwala kasi ang defense panel na nilabag ng prosecution ang karapatan ng dating pangulo na mabigyan ito ng kaalaman sa dahilan at laman ng kaniyang mga kaso.
Base sa isinumiteng motion na pirmado ni lead defense counsel Peter Haynes, na nagtataka bakit kailangan pang isama ang mga mga dating kaso ni Duterte sa ICC.
Ang tanging magiging epektibo remedyo dito ay ang paghain muli ng Prosecution ng kaso at bigyan ng impormasyon ang dating pangulo ukol sa nasabing kaso.
Magugunitang nahaharap si Duterte ng three counts of crime against humanity dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga noong panahon niya.
















