Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpopondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa kaniyang talumpati sa pagtungo sa Lucena City, sinabi ng pangulo na kinikilala ng gobyerno ang pakikipagtulungan ng mga tao na nasa maliliit na lugar gaya sa barangay.
Paglilinaw nito na ang layunin ng barangay Development Program ay hindi lamang nakatuon sa pagtatapos kaguluhan dulot ng mga kumonista at sa halip ay tinutulungan nito ang pag-angat ng kabuhayan ng mga tao na nasa barangay.
Mula pa kasi noong Hulyo ay mayroon ng P16 bilyon ang naipamahagi na ng gobyerno sa 812 na barangay na cleared na ng National People’s Army (NPA).
Balak din ng gobyerno na maglaan ng P28.1 bilyon para Barangay Development Program sa susunod na taon na makikinabang ang nasa 1,406 na barangay.