Handang magpabakuna si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa coronavirus sakaling dumating na ito galing sa bansang Russia.

Ito ay matapos na kumpirmahan ni Russian President Vladimir Putin na kanilang minamadali ang paggawa ng bakuna.

Sa kaniyang national address sinabi nito na handang magbigay ang Russia ng mga bakuna.

Tiwala naman ito na hanggang sa Oktubre ay mayroon ng bakuna sa COVID-19 at mai-enjoy ng mga Filipino ang kapaskuhan.

Kasabay din nito, pinirmahan ng Pangulo ang personal na sulat kay Putin.