-- Advertisements --
Personal na dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces.
Kasama ng Pangulo si Senator Bong Go ay peronal na sinalubong sila ni Senator Grace Poe ang anak ng beteranang actress sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig.
Ilang minuto rin nag-usap sina Senator Poe at ang pangulo bago ipinakilala ng senador ang pangulo sa ilang miyembro ng pamilya nito.
Magugunitang naging magkatunggali sina Poe at Duterte noong 2016 Presidential election.
Nakatakda naman ang libing ng beteranang actress sa Mayo 26 sa Manila North Cemetery sa tabi ng asawang si Fernando Poe Jr.