Inanunsiyo ng organizers ng US Open kung magkano ang magiging prize money ng mga magwawagi.
Ayon sa tournament organizers na ang mga magwawagi sa men’s and women’s singles champion ay makakatanggap ng tig $5-milyon.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 39 percent mula noong nakaraang taon na mayroong $3.6-M.
Sa kabuuan ay mayroong $90-M na premyo na siyang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng tennis.
Sa bawat stage kasi ay makakatanggap na ang mga manlalaro kung nakapasok sa quarterfinals ay mayroong $660,000 na premyo habang ang semifinalist ay aabot sa $1.26-M na premyo habang ang finalist ay mayroong kita na $2.5-M.
Mayroon itong pagtaas na 20 percent kumpara noong nakaraang taon na aabot lamang sa $75-M.
Bawat manlalaro ay makakatanggap ng tig $1,000 travel stipend ng bawat manlalaro at dalawang hotel rooms sa official player hotel.
Magsisimula ang US Open mula Agosto 18 hangganh Setyembre 7.