-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring co-chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibinuhos ang pondo para magbigay ng ayuda at para matulungan ang mga kababayang apektado ng COVID-19.

Batay umano sa report ni DSWD Sec. Rolando Bautista, umaabot na sa mahigit P106 billion ang naipapamahaging Social Amelioration Program (SAP) sa mahigit 19 million beneficiaries.

Sinabi ni Sec. Nograles, nasa 479,000 applications na rin ang inaprubahan ng Social Security System (SSS) para sa calamity assistance na nagkakahalaga ng P7.5 billion habang 6,300 applications para sa mga nawalan ng trabaho ang naaprubahan na at nagkakahalaga ng P84.4 million kung saan P76.2 million ang naipamahagi na sa 5,740 beneficiaries.

Ayon kay Sec. Nograles, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nakapamigay na ng financial aid na umaabot sa P6.4 billion parasa mahigit 1.18 million displaced employees sa formal at informal sectors kabilang na ang mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs).

Ang Department of Agriculture (DA) ang nakapaglabas na rin umano ng P6 billion cash subsidies sa mahigit isang milyong apketadong magsasaka at mangingisda.

“Para naman sa mga apektado sa sektor ng edukasyon, may mga hakbang at programa na inilunsad ang pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan nila,” ani Sec. Nograles.

“For those employed by the government, the Government Service Insurance System will introduce a new 30,000-peso computer loan program to help members purchase a computer in light of the shift to distance learning or online classes. In addition to this, in September, the GSIS will launch an educational loan program for its members to help them pay tuition and other school fees for their nominated student-beneficiaries. Maglulunsad ang GSIS ng mga bagong programa para matulungan ang mga kawani ng pamahalaan sa pagpapa-aral sa kanilang mga supling. Maliban sa computer loan program, mayroon ding programa para sa matrikula at iba pang mga kaugnay na bayarin.”