CEBU CITY- Pinangunahan ni Philippine National Red Cross Chair Senator Richard “Dick” Gordon ang inagurasyon ng Philippine Red Cross Molecular Laboratory sa Brgy. Jagobiao. Mandaue City.
Ang nasabing laboratoryo ang makakatulong sa pagpapabilis ng swab test para sa mga nakakaramdam nga mga covid-19 symtoms.
Ayon kay Gordon na makaka-accomodate ng 4,000 katao kada araw at makukuha ang test results nito sa loob ng 24 oras hanggang 48 oras ang nasabing laboratory.
Ayon kay Gordon na sa ganitong paraan mas madali umanong malalaman kung sino ang nagpositibo sa covid-19 pati na ang contact tracing.
Dagdag pa nito, nanawagan din si Gordon sa publiko na magdonate ng dugo sa PRC dahil nagkulang na rin ng supply sa mga blood bank dahil sa pandemic.
Samantala tinanggap nalang ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang quarantine status ng Cebu na MECQ.
Hindi na umano aapela pa ang alkalde bagjkus, mas tututukan nalang ang mga gagawing pagbabago sa lungsod.
Kaugnay nito papayagan na ang mga mall operation pero kailangan susunod pa rin sa health protocols. Habang mga mga restuarants at fast food chains, bawal pa rin ang dine in.
Pwede na rin ang phyisic activity gaya nga jogging basta naka face mask.
Ngunit ipapatupad pa rin ang strict borders at wala pa ring papayagan mga public transportation.