Ipagpapatuloy ngayong 8 a.m ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang encoding ng mga election returns.

Sinabi ni PPCRV media director Agnes Gervacio, na itinigil nila ang nasabing encoding ng 10 p.m. Martes ng gabi dahil na rin sa kapaguran ng ilan nilang miyembro.

Nilinaw naman nito na hindi isasara ang kanilang command center dahil bukas ito hanggang matapos ang bilangan.

Mayroon aniya silang tatlong tig-apat na oras na shifts mula 8 a.m. hanggang 8 p.m.

Mula kahapon ay natanggap na nila ang mga election returns mula sa iba’t-ibang probinsya ng bansa.