-- Advertisements --

Posibleng lumagpas pa sa 50 percent ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, noong Enero 6 kasi ay naabot na ng NCR ang 50 percent at puwede pa itong tumaas.

Hindi pa raw kasi bumabagal ang growth sa positivity rate noong Enero 7.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga taong natuklasang positibo sa COVID-19 sa mga indibidwal na sumailalim sa test.

Kahapon nang naitala ng Pilipinas ang record high covid case na 26,458.

Nalagpasan nito ang pinakamataas na daily case count na 26,303 na naitala noong September 11, 2021.

Sa ngayon, tumataas na rin daw ang mga naitatalang positibong kaso ng COVID-19 sa Calabarzon at Central Luzon.