Kailangan umanong maging “cause of concern” ang napabalitang posibilidad na pag-kontrol at pag-shutdown ng China sa power grid ng Pilipinas.
Ayon kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, dapat umanong aksiyunan ito na pamahalaan lalo na kapag ang mga nangangasiwa sa ating grid o power lines ay mga Chinese.
Naniniwala kasi ang dating mahistrado ng Supreme Court (SC) na madali lamang ang pananabotahe kapag Chinese ang nagmimintina sa mga grid dahil madali lamang nila itong saksakan ng malware sa software.
Una rito, sa plenary deliberation sa sa panukalang pondo ng Department of Enregy (DOE) noong nakaraang linggo, lumalabas na may access ang Chinese managers at engineers sa operasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang NGCP na nagpapatakbo at nagmimintina sa electricity grid ng Pilipinas ay 40 percent na pag-aari ng State Grid Corporation ng China.
Dahil dito, naghain na si Sen. Risa Hontiveros ng resolution para sa isasagawang Senate investigation at national security audit sa operasyon at facilities ng NGCP.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ni Atty. Melvin Matibag, president ng state-owned National Transmission Company (Transco) na may kakayanan ang China na kontrolin at i-shut down ang power transmission system ng bansa.