-- Advertisements --

Tinupad na ng Vatican ang huling hiling ni Pope Francis bago ito pumanaw at ito ay ang ibigay sa Gaza ang kaniyang Pope Mobile.

Ang nasabing sasakyan ay ginawa ng mobile health units para sa ilang libong mga bata sa Gaza na naapektuhan ng giyera.

Ayon sa Vatican na hiniling ng Santo Papa sa kaniyang huling buwan noong ito buhay na ibigay sa Caritas Jerusalem ang nasabing mobile.

Lagi kasing binabanggit ng Santo Papa na ang mga bata ay siyang mukha, pangalan at kuwento sa mga malagim na nagaganap sa Gaza.

Nilagyan na ng mga kagamitan para sa diagnosis, examination at treatment gaya ng rapid test para sa infections, diagnostic instruments, bakuna, suture kits at ilang mga life-saving supplies.

Mayroong nakatalagang mga doctors at medics na magtutungo sa mga liblib na lugar ng Gaza kapag muling naibalik na ang humanitarian access sa Gaza.